
|
Remarks
of Ambassador
Leslie J. Baja
before
the Filipino Community in Zurich 28
August 2011
|
|
Bishop
Cantillas, Father Dumandan, mga kababayan, magandang gabi po sa
inyong lahat.
When
I arrived about a month ago, I asked my colleagues from the Embassy
the best and fastest way to meet and connect with the Filipinos in
Switzerland. They were one in saying that it is through the
Philippine Catholic Mission in Switzerland. They were not mistaken.
In the past weeks, I have met with the Philippine Catholic Missions
in Berne, Thun, Basel and tonight in Zurich. Meeting you all during
mass is a testament to the deep religiosity of Filipinos wherever
they may be. We bring our faith to wherever we go and this is one
strong characteristic of the Filipino.
Ngayong
araw pong ito ay ginugunita natin ang tinatawag na National Heroes
Day sa Pilipinas. Pinahahalagahan po natin ang mga bayani na
nagbigay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Ngunit
sa aking pong palagay, kailangan din nating bigyang halaga ang mga
bagong bayani ng bayan, mga Pilipino na nasa loob at labas ng bansa
na walang pagod na nagtatrabaho upang matulungan ang sarili at at an
gating bansang Pilipinas.
Sa
aking pong pakikipagpulong sa mga opisyal ng bansang ito, ako po ay
natutuwa na mapakinggan na ang mga Pilipino sa Switzerland ay respetado
at gusto ng mga mamamayan dito. Sabi po nila sa akin, kayo raw po ay
mabait, masipag, mapagkawang-gawa at mapapag-katiwalaan. Ang mga
Pilipino po daw ay palaging nakangiti, kahit may problem. Ito po ay
nakakatuwang pakinggan. Higit po sa akin at ang mga kasamahan ko sa
embassy, kayo po, ang mga Pilipino sa Switzerland, ang pinaka magaling
na ambassador ng Pilipinas dahil po sa mga katangiang nabanggit ko.
Which
brings me to the point that the strength of Philippine Swiss
relations is the people to people contact. We have a long history of
official and diplomatic relations. Next year we commemorate the
150th
anniversary of the establishment in 1862 of the first Swiss consular
representation in Asia in Manila. This year, we are celebrating the
55th
anniversary of our diplomatic relations. In the Philippines, we have
about 60 Swiss companies doing business, employing thousands of
Filipinos. Here in Switzerland, we have about 10,000 Filipinos, some
of whom have been here more than 3 decades, who form the backbone of
Philippine-Swiss relations. Filipinos married to Swiss is the
cornerstone of this people to people contact.
Noon
pong nakaraang linggo, ginunita po natin ang pagkakapatay ng dating
Senador Ninoy Aquino, ama po ng ating pangulong Noynoy Aquino. Dahil
po sa kanya at sa yumaong dating Pangulong Cory Aquino, natama po
natin ang pinakamimithi nating demokrasya sa Pilipinas. 25 taon na
po ang nakalipas since the 1986 EDSA revolution. Upang mapanatili at
mapalakas po natin itong demokrasyang ito, inaanyayahan ko po kayong
lumahok sa susunod na halalan sa pamamagitan ng pagrehistro simula
ika 31 ng Oktubre. Isang taon po itong registration process na ito,
na ibinigay sa ating mga Pilipino abroad upang tayo ay makasali sa
pagpili ng ating mga lider ng bansa.
One
of the things we are doing right now in the Embassy is to get an
accurate number of Filipinos in Switzerland. We are trying to verify
the statistics we get from the Swiss government with the numbers that
we have in the Embassy and the Consulate General in Geneva. An
accurate number is vital for us in order to know exactly where each
and every Filipino in Switzerland is so that in the event of any
crisis, we can easily reach out to you. I have sent a letter to all
Filipino organizations requesting for this data and to act as our
coordinator in your areas. I hope you can help us in this endeavor
so we can help you in return when needed.
Mga
kababayan, maraming pong salamat sa inyong pagtanggap sa amin ngayong
gabi. Kami
po sa embajada sa Berne ay handa pong tumulong sa inyo sa abot ng
aming makakaya. Ang hihilingin ko lang po sa inyo ay magkaisa po
tayo dahil kung sama sama, kayang kaya.
Maraming
pong salamat at mabuhay po ang mga Filipino sa Switzerland.
|
|
|
|